Robi Domingo: "Ang pamaraan upang manalo sa laban na ito ay pagkakaroon ng pagmamahal sa isa't isa."

  • 4 years ago
Nag-alay ng maikling dasal ang Kapamilya TV host at actor na si Robi Domingo para sa kasalukuyang situwasyon ng bansa at ng buong mundo bunga ng paglaganap ng sakit na novel coronavirus o COVID-19.

Dasal ni Robi: "Panginoon, marami po kaming katanungan ngayon.

"Ano? Saan,? kailan? Paano? Bakit?

"Ipaalala nyo po sana sa amin na sa kadulu-duluhan ng araw, ang kasagutan po ay kayo.

"Tulungan niyo po ang nagugutom, nalulugmok at nawawalan ng pag-asa.

"Gabayan niyo po ang mga frontliners at mga mahal namin sa buhay upang sila ay maging ligtas mula sa kahit anong pangamba.

"Ipaalala niyo po sa amin na ang pamaraan upang manalo sa laban na ito ay pagkakaroon ng pagmamahal sa isa't isa.

"Sana po ay matapos na ang makulilim na kabanata sa aming buhay at nang dahil sa inyong biyaya ay magkaroon ng bagong bukas na puno ng pag-asa at pagmamahal.

"Amen."

#robidomingo #frontliners #covid19

Video gathered by James Patrick Anarcon
Edited by Rommel R. Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph

Recommended