Natutuwa raw si Xian Lim na muling makasama sa bagong proyekto sa ABS-CBN ang girlfriend na si Kim Chiu.
Hindi na kasi nasa ilalim ng pamamahala ng ABS-CBN talent arm na Star Magic ang career ni Xian. Lumipat na ng Viva Artists Agency si Xian noon pang 2018.
Inihalintulad naman ni Kim sa adobo ang muling pag-arte sa harap ng kamera kasama ang boyfriend na si Xian. Nagtawanan tuloy ang mga tao sa presscon sa sinabing ito ni Kim.
Nang tanungin naman ng showbiz reporter na si Allan Diones sa presscon proper ng Love Thy Woman si Xian kung gaano na katagal ang relasyon nila ni Kim, umamin ito na nakalimutan na niya.
Katuwiran pa niya, "Hindi kasi kami nagbibilang ng panahon. We count each and every day... our moments together lang po..."
Nang si Kim naman ang tinanong, sagot nito: "Binibigay naman na namin lahat. Baka yung numero, amin na lang."
#kimchiu #xianlim #lovethywoman
Video: Noel Orsal Edit and Text: Rommel R. Llanes
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!
Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts
Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts