PH envoys ordered home to face sex-for-flight probe
  • 5 years ago
Pinapauwi na ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang mga ambassador sa tatlong bansa sa Middle East kung saan binubugaw umano ang mga Pinay na OFW. Mismong si Del Rosario ang mamumuno sa imbestigasyon sa umano'y sex trade sa ilang embahada sa Gitnang Silangan. Nagpa-Patrol si Henry Omaga-Diaz. TV Patrol, Hunyo 19, 2013, Miyerkules