Ang award-winning veteran actors na sina Coney Reyes at Bembol Roco ang bibida sa upcoming heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Gaganap sila bilang sina Angie at Bert, ang dating magkasintahang nagkrus muli ang landas pagkatapos pumanaw ang kani-kanilang asawa. Karapat-dapat bang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang pag-ibig na nagkalamat na? Sapat na ba ang masayang nakaraan upang ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan?
Visit our official website! http://www.abs-cbn.com http://www.push.com.ph