Matthew Terrell, nagkunwaring photographer para manloko ng mga kolehiyala
  • 9 years ago
Matthew Terrell, nagkunwaring photographer para manloko ng mga kolehiyala

Kung may lumapit sa inyong photographer, bigyan kayo ng 50 dollars para kunan ang inyong litrato...sa loob ng isang motel, mag-ingat at baka kayo ay mabitag.

Nakilala ng isang dalawampung taong gulang na kolehiyala sa web site na OKCupid ang photographer na si Matthew Terrell, na nag-alok ng 50 dollars para mag-model ng sportswear para sa kanya.

Magkikita dapat sila sa ibang lugar, ngunit nilipat ni Matthew ang venue ng photo shoot sa isang motel.

Ayon sa kolehiyala, pinag-pose siya ni Matthew nang nakatalikod at naka-krus nang patalikod ang kanyang mga kamay. Dito initali ni Matthew ang kamay ng dalaga.

At dito rin natauhan ang babae na ito ay hindi isang tipikal na modeling shoot, at siya'y nanipa at nagsisigaw. Narinig siya ng ibang taong nanunuluyan sa motel, na nagtawag ng pulis. Nahanap ng pulis ang bag ni Matthew, na naglalaman ng duct tape at tali.

Kakasuhan ito ng maling pagkabilanggo at asulto na may intensyon ng panggahasa o seksuwal na aktibidad.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended