Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Lalaking may asawa, hindi nakatiis na silipan ang natutulog na kapitbahay

Lalaking may asawa, inakyat ang bahay ng kapitbahay para masilipian ang "sleeping beauty.'

Isang 31-year-old na engineer mula sa Jilong, Taiwan, ang may asawa na -- pero matagal nang may pagnanasa sa kanyang 49-year-old na kapitbahay na seksing teacher.

Isang gabi, habang natutulog ang kanyang asawa, inakyat ng lalaki ang kanyang balcony sa 5th floor, at tahimik na pinasok ang kwarto ng kanyang kapitbahay.

Matapos panoorin ang natutulog na teacher, hindi napigilan ng lalaki ang kanyang sarili, at inangat ang kumot para masilipan ang legs ng teacher. Nagising ang teacher, at nag-sorry ang lalaki bago umalis pabalik sa kanyang apartment. Tumawag ng pulis ang teacher.

Dinalaw ng engineer at ng kanyang asawa ang teacher para personal na humingi ng paumanhin, pero natuloy ang pagdemanda ng teacher sa kanyang bastos na kapitbahay.

Ayon sa pulis, dahil hindi dumamit ng recording equipment ang engineer, hindi ito maaring makasuhan ng offenses against privacy. Pero ang pagpasok sa bahay ng kanyang kapitbahay ay itinuturing na intrusion, at siya ay maaring makulong ng isang taon.

Ayon sa pulis, ang mga babaeng nakatirang mag-isa ay dapat na maglagay ng rehas na bakal sa kanilang mga bintana, ay siguraduhing naka-lock ang mga ito bago sila matulog.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended