Shoplifter sa Chicago, binaril ng pulis dahil sinaktan nito ang isang officer

  • 9 years ago
Shoplifter sa Chicago, binaril ng pulis dahil sinaktan nito ang isang officer

Binaril ng isang police officer ang isang lalaki, at nasaktan ang isa pang officer, habang pinipigilan nilang tumakas ang tatlong lalaking napagsuspetyahan nila ng pagnanakaw sa isang shopping mall sa Romeoville, Chicago, noong Huwebes ng gabi.

Naalerto ang mga pulis sa pagnanakaw sa tindahan bandang alas diyes ng gabi, at inabangan nila ang mga suspek sa labas.

Dalawang suspek ang lumabas sa tindahan, habang tinutulak ang isang shopping cart -- at sila ay nilapitan ng pulis.

Dito tumakbo ang 51-year-old na si Robert Russell papunta sa isang Pontiac Sunfire nan aka-park sa parking lot.

Hinabol siya ng isa sa mga police officer, pero naisara ni Russell ang pinto ng kotse, sa kamay nito.

Nakaipit pa rin ang kamay ng pulis nang magpaandar ng sasakyanang suspek, at nagsimulang magmaneho paalis.

Nang hindi huminto ang kotse, isang police officer ang nagpaputok ng kanyang baril, mga tatlo o apat na beses, at natamaan ang suspek sa kanyang kaliwang braso.

Naaresto ang tatlong suspek, at ang officer ay na-release na mula sa ospital.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended