Bagong kasal, pumatay ng isang lalaki bilang pag-celebrate ng kanilang anibersaryo!

  • 9 years ago
Bagong kasal, pumatay ng isang lalaki bilang pag-celebrate ng kanilang anibersaryo!

Ang bagong kasal na si Elytte at Miranda Barbour ay ipinadiriwang ang kanilang tatlong linggong anibersaryo, sa pamamagitan ng pagpatay ng isang lalaki sa Pennsylvania!

Inakit ng bagong kasal ang kanilang biktima na si Troy LaFerrara, sa isang online dating ad sa Craigslist.

Nagtago sa ilalim ng isang kumot si Elytte sa likod ng kanilang SUV, habang si Miranda ay nagmaneho para sunduin si Troy sa isang mall.

Matapos mag-park at mabigyan ng senyales ng kanyang asawa, sinakal ni Elytte si Troy gamit ang kawad, habang sinaksak ni Miranda si Troy ng dalawampung beses.

Tinapon ni mag-asawa ang katawan ni Troy sa isang makipot na daan sa Sunbury, at pagkatapos ay nagpunta sila sa isang strip club para kumain.

Ayon sa mga report, ang mag-asawa ay naaresto noong isang linggo, at nakasuhan ng multiple criminal homicide at assault. Wala silang bail.

...Mukhang hindi nila mai-se-celebrate ang kanilang pang-apat na linggong anibersaryo.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended