Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
VIDEO: Pamilyang nagbabakasyon sa Spain, binugbog ng supermarket security!

Ito ang nangyari sa isang pamilya mula sa France, na nagbabakasyon sa isang resort sa Espanya, noong Pasko. Nagkagulo nang inakusahan sila ng security ng isang tindahan nang pagnakaw, at sinaktan sila nang sinabi nilang sila ay inosente. Ang video na ito ay kinunan ng batang anak na babae ng pamilya.

Nagsimula ang lahat nang tumunog ang alarm sa checkout sa Carrefour, at tinawag ang security, na hindi naniwala na walang ninakaw ang mga magulang.

Pinilit nilang maglakad pabalik-balik ang mag-asawa sa mga security gates, na hindi tumunog ni isang beses.

Hindi nakumbinsi ang security, at pinasok nila ang pamilya sa isang kuwarto, kung saan sila ay dinuraan diumano...bago sinaktan ng mga guard ang mag-asawa.

Habang umiyak ang kanilang anak na lalake, ang anak na babae ay ginamit ang smartphone para i-record ang mga pangyayari...kung saan nasakal daw ang kanyang ama, na akala ay mamamatay na sila.

Kakaunti lang ang nalalaman tungkol sa video, at walang kumumpirma ng kuwento ng mag-asawa.

Ang alam lang natin ay na-ospital ang mag-asawa, at nag-file sila ng complaint sa pulis -- ayon sa diyaryong El Mundo sa Espanya. Ang Carrefour naman ay humingi na ng paliwanag mula sa kumpanyang nagha-handle ng security sa supermarket.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended