Convicted sex offender, binugbog matapos niyang subukang mang-kidnap ng batang babae sa Seattle!

  • 9 years ago
Convicted sex offender, binugbog matapos niyang subukang mang-kidnap ng batang babae sa Seattle!


Convicted sex offender, sinubukang i-kidnap ang isang batang babae -- at siya ay binugbog ng mga tao!

Para sa mga perverts: ang Seattle ay hindi ang tamang lugar para sa inyo!

Naturuan ng leksiyon ang convicted sex offender na si Jessie Brisbin, matapos niyang subukang kidnap-in ang isang bata mula sa Benefit Park sa Beacon Hill, itong nakaraang linggo.

Nilapitan niya ang isang 6-year-old na batang babae, na matalino naman at tumangging umalis kasama si Brisbin.

Kinuha ni Brisbin ang kamay ng bata, at tinangkang kaladkarin ang babae paalis sa park. Dito nag-react ang mga tao sa park, at mahigit dalawampung tao ang naghabol kay Brisbin, hanggang sa nabitawan nito ang batang babae.

Pagkatapos, ay binugbog ng mga tao -- kung saan kabilang ang ama ng batang babae -- si Brisbin hanggang sa sumuko na ito.

Inutusan ng ama ng batang babae si Brisbin na gamitin ang sarili niyang cell phone, para itawag at i-report sa pulis ang kanyang ginawa.

Si Brisbin ay naaresto para sa suspected kidnapping. Kabilang sa kanyang criminal record ang mga arrest para sa indecent exposure, kidnapping, criminal sexual activity at endangering the welfare of a child. Sana ay makulong siya nang matagal-tagal.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended