Lalake, nagtangkang mag-smuggle ng drugs sa kulungan, sa loob ng isang football!

  • 9 years ago
Lalake, nagtangkang mag-smuggle ng drugs sa kulungan, sa loob ng isang football!


Drug smuggling fail: mahirap gayahin si Tom Brady!

Ang lalaking ito ay hinding-hindi mapapasok sa NFL!

Ang pagpasok ng contraband sa loob ng bilangguan ay hindi na kakaiba; maraming pamamaraan ng pag-smuggling ang nasubukan na sa mga detention centers sa buong mundo.

Pero itong si Christen Moore ng Michigan, ay inakalang nakaisip na siya ng perpektong plano...itinahi niya ang heroin, marijuana, tabako, tatlong cell phone at isang charger sa loob ng isang football.

Ang problema, ay ipinakita niya kung bakit hinding-hindi siya makakapaglaro sa NFL.

Ang football ay nakalampas lang sa isa sa dalawang bakod, at mabilis siyang nakita at naaresto ng mga guwardiya.

Ang smuggling ay katumbas ng limang taong pagkabilanggo, para sa bawat bagay na nai-smuggle...kaya makaka-ilang dekada pa itong si Moore sa jail, kung saan pwede niyang ayusin ang kanyang football skills!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended