Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Mayaman na lalake sa New York City, may-ari daw ng kalahati ng Manhattan?

Ang footage ng lasing na NYU student na ito ay naging viral, dahil ipinapakita nito kung gaanong nakakainis at nakakaasar ang ibang mga mayayaman na bata.

Matapos uminom ng masyadong maraming mimosa, sa Pranna Restaurant sa Madison isang araw...nauwi sa isang viral video ang kalokohan ng lalaking ito, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Aba! Nagmalaki pa itong si Richie Rich, na puro kasinungalingan ang lumabas sa kanyang bibig!

Ang ama niya raw ay nasa real estate, at siya raw ang may-ari ng kalahati ng siudad ng Manhattan.

Actually, hindi siya kabilang sa Adjmi family...na by the way, hindi rin naman nagma-may-ari ng kalahati ng Manhattan, okay?

Pero mayroong tunay na Adjmi family member sa grupong ito: ang lalaking nasa likod, na halos hindi na makatayo nang maayos.

Ang nakakainis na sinungaling sa video ay ang 20-year-old na si Gerry Shalam, anak ni lou Shalam, isang garment industry executive. Ang kanyang ina ay isang events coordinator.

Sinabi rin ni Gerry na nasa pagma-may-ari niya ang mga pulis. Hindi rin ito tutoo. Tatawagan daw niya ang New York City Mayor na si Bill de Blasio, na feeling naming ay B.S. din.

Nabanggit ba naming na isa rin daw siyang abugado?

Mula nang naging viral ang video na ito, ay nai-delete na ni Gerry ang kanyang Facebook at Instagram accounts, malamang dahil pinagsisihan niya ang kanyang nagawa habang siya ay lasing.

Pero hindi naman siya masamang tao. Siya ay co-founder ng Brothers Helping Others, isang organisasyon na tumutulong sa mga anak ng mga immigrants sa New Jersey.

Heto pa ang cute na footage kung saan siya ay nagpanggap ng Scarecrow sa Wizard of Oz production ng kanyang ina.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/

Recommended