Kansas hero, nabaril habang pino-protektahan ang isang babae mula sa kanyang psycho boyfriend!

  • 9 years ago
Kansas hero, nabaril habang pino-protektahan ang isang babae mula sa kanyang psycho boyfriend!


Lalake sa Kansas, nabaril habang pino-protektahan ang isang babaeng hindi niya kilala, mula sa nababaliw niyang boyfriend!

Si Bryan Snyder ay suwerte at hindi siya namatay. Noong Lunes, nabaril siya sa puso, habang pino-protektahan niya ang isang babae mula sa kanyang psycho boyfriend.

Inaresto ng pulis si Daniel Lynn Cregut, para sa pag-kidnap niya sa kanyang girlfriend, at pagbaril kay Snyder.

Pag-uwi ng babae mula sa trabaho, 10:30 ng umaga, naghihintay sa bahay si Cregut. Tinutukan niya ito ng baril, sabay kinidnap.

Pumayag ang psycho boyfriend na bumili ng sigarilyo ang babae. Paghinto nila sa isang tindahan, tumakbo ang babae at nagtago sa isang gas station.

Tinulungan siya ng tatlong lalake sa gas station na magtago sa isang naka-lock na kuwarto. Paglapit ni Cregut sa tindahan, hinarang siya ni Snyder sa entrance, at binaril siya ni Cregut.

Tumama ang bala sa kamay ni Snyder, bago ito tumama sa kanyang puso, baga, at atay.

Pagpasok ng suspect sa tindahan, tinutok niya ang baril sa mukha ni Snyder, at tinanong kung nasaan ang babae.

Salamat sa bulletproof glass, hindi natamaan ng bala ang dalawa pang lalake.

Natagpuan ng SWAT team si Cregut sa isang bahay sa S.W. Washburn, kung saan napilitan din siyang sumurrender nang nakasuot lang ng puting shorts.

Si Cregut ay nakasuhan ng attempted murder, aggravated assault, burglary, kidnapping, violating a restraining order, at stalking.

Kung nais niyong mag-donate sa medical expense fund n gating hero of the week na si Bryan Snyder, puntahan po ang link na nasa description.

Bryan Snyder's medical expense fund: http://bit.ly/1lyYKew.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended