STUPID: Magnanakaw, nag-login sa Facebook sa bahay ng biktima; nahuli ng pulis!

  • 9 years ago
STUPID: Magnanakaw, nag-login sa Facebook sa bahay ng biktima; nahuli ng pulis!


Magnanakaw, nag-login sa Facebook sa bahay na kanyang ninanakawan, at nahuli!

Isang magnanakaw ang nahuli dahil napakatanga niya. Nag-login siya sa Facebook habang ninanakawan niya ang isang bahay, at hindi siya nag-sign out bago siya umalis, dala ang kanyang mga ninakaw.

Umuwi sa kanyang bahay sa St. Paul, Minnesota, si James Wood noong June 19, at nalaman niyang nanakawan ang kanyang bahay. Nakuha ang kanyang relo, pera, mga credit card at cheque book, at iba pang mga kagamitan. Pero napansin din niya na may mga naiwang gamit ang magnanakaw: basing sapatos, pantalon, at sinturon.

Hindi lang nag-iwan ng mga personal na kagamitan ang magnanakaw...nakalimutan din niyang mag-sign out sa Facebook, na ginamit niya habang ninanakawan niya si Wood, at nakita ni Wood ang Facebook page ng tanga-tangang magnanakaw.

Nag-post si Wood ng message sa page ng magnanakaw na si Nicholas Wig, 26 years old; sinulat ni Wood na magnanakaw ito, at iniwan ang kanyang phone number para ma-kontak siya ng mga kaibigan ni Wig.

Kinabukasan, tinawagan ni Wig si Wood at nagkasundo silang magpalitan ng kagamitan nang gabing iyon.

Pagdating ni Wig, tinawagan ni Wood at pulis, at habang nandoon pa si Wig sa bahay ni Wood ay naaresto siya ng mga pulis.

Humaharap si Wig sa sampung taong pagkabilanggo, at magbabayad ng 20,000 dollars na multa. Siya pala ay may burglary conviction at naaresto na noon para sa domestic assault, at mayroon pang pending na drug charges.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended