Ex-con, pinalitan ang spern sa fertility clinic; lumabas na ama ng isang babae

  • 9 years ago
Ex-con, pinalitan ang spern sa fertility clinic; lumabas na ama ng isang babae

Noong 1975, si Thomas Lippert ay isang law professor sa Southwest State College sa Marshall, Minnesota. Isang araw, nakita niya ang "ride wanted" na card na iniwan ng 21-year-old na si Susan Cochran sa isang bulletin board. Kinontact ni Lippert si Susan, at pumayag siyang ihatid ang babae sa Boston.

Hindi sila nakarating sa Boston.

Kinidnap ni Lippert si Cochran. Pinahubad niya ito at pinilit na uminom ng Southern Comfort hanggang sa nag-blackout na ang babae. Pinag-eksprimentahan niya ang babae sa loob ng isang misteryosong kahon na itim, at umasang mapipilitan niyang ma-in-love sa kanya si Susan.

Hindi umubra ang eksperimento, at nakulong si Lippert.

Noong 1991, isang mag-asawa sa Utah ang nahirapan magka-anak. Pinuntahan nila ang Reproductive Medical Technologies, Inc., isang fertility clinic na konektado sa University of Utah, na ngayon ay sarado na. Sa pamamagitan ng artificial insemination, ay nagka-anak na babae ang mag-asawa.

Pagkalipas ng daalwampu't isang taon, isang babae ang kumuha ng DNA test, at kinumbinsi niya ang kanyang pamilya na magpa-DNA test na rin. Pero nang dumating ang mga resulta, nalaman ng babae na wala siyang nakuhang DNA mula sa kanyang ama.

Dito natin babakilan si Thomas Lippert. Matapos siyang makalaya sa bilangguan, nagtrabaho ito sa isang fertility clinic sa Utah. Bagamat wala siyang sariling anak, si Lippert ay madalas na nagbigay ng sperm donations sa clinic, at tinago niya ang mga litrato ng mga batang naipanganak dahil sa kanyang donasyon.

At sa at least isang kaso, ay ginamit niya ang sarili niyang sperm para palitan ang sperm ng ibang lalaki.

At dahil dito, ay ngayon lang nalaman ng babaeng ito kung sino ang kanyang tunay na ama.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended