Korean netizens, ibinulgar ang mga plastic surgery secrets ng Korean celebrities!
  • 9 years ago
Korean netizens, ibinulgar ang mga plastic surgery secrets ng Korean celebrities!

Si Kim Hyo-Jung, ang lead singer ng Korean megastar group na Sistars, ay nabalitaang nagpa-plastic surgery!

Nagsimula ang spekulasyon nang magkuwento ang sikat na singer tungkol sa kanyang experience na magkaroon ng double eyelid surgery, sa isang reality show.

Nagsabi si Kim na nais din niyang magkaroon ng surgery sa kanyang ilong...pero nangako siyang hindi ito gagawin dahil hindi raw niya kakayanin ang sakit.

Ang mga salita ni Kim ang nagtulak sa mga netizens sa Korea na imbestigasyunan kung ano pa nga ba ang mga plastic surgery na isinagawa, pero ayaw aminin, ng singer.

Matapos ikumpara ang mga luma at bagong litrato, mukhang mala-magic na napatangos nang walang plastic surgery ang ilong ni Kim!

Ayon sa mga netizens sa Korea, halata na nagsinungaling ang singer tungkol sa pagpapaayos ng kanyang ilong. Nag-comment din sila sa mga plastic surgery na isinagawa ng isa pang Korean pop singer na si Park Jeong Ah.

At dahil maraming oras ang mga commentators na ito -- napansin nila na ang mata, ilong at bibig ni Park ay nag-iba ng itsura sa mga litrato.

Mas mabilis i-deny ang mga pagbabagong ito, kaysa sa ginawa ng Korean idol na si Clara -- na kitang-kitang nagpalaki ng boobs, aminin man o hindi.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended