Bagong Yankees pitcher, nagbayad ng 200k para lang makaalis sa Japan!
  • 9 years ago
Bagong Yankees pitcher, nagbayad ng 200k para lang makaalis sa Japan!



Ayon sa Japanese media, ang pinakabagong Yankees pitcher ay nag-charter ng Boeing 787 Dreamliner mula Japan papuntang New York.

Tinamaan ng mabigat na nyebe ang Tokyo noong February 8.

At kahit mayroon siyang sariling eroplano, si Tanaka ay hindi nakatakas sa problemang dala ng snow -- ang biyahe ng kotse mula sa hotel hanggang sa airport ay walo't kalahating oras.

Pero matapos niyang makuha ang isang seven-year, 155-million-dollar contract mula sa New York Yankees, ang pera ay hindi na problema para kay Tanaka.

Naglabas siya ng halos 200,000USD para sa isang Boeing 787 Dreamliner, samantalang pwede naman siyang mag-rent ng mas maliit na eroplano...

Dahil ang sakay ng malaking eroplano ay iilang tao lang: si Tanaka, ang kanyang asawa, ang kanilang alagang aso, at tatlo pang tao.

Lampas isang daang miyembro ng media ang nakaabang sa kanila sa JFK International Airport sa New York, pero hindi nagpakita sa kanila si Tanaka, na ginamit ang crew member exit para umalis mula sa airport.

Magbibigay raw ng press conference and Yankees itong darating na Martes, para ipakilala si Tanaka bilang bagong miyembro ng kanilang team.

Sa dinami-dami ng mga flight na papuntang New York na na-cancel, ay maiintindihan naming kung hindi nakarating sa New York si Tanaka, ayon sa schedule. Pero nagawa niyang gumastos ng malaking halaga ng sarili niyang pera para lang makahabol. Bilib ba kayo sa kanya?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended