PHOTO: Taiwanese train attendant, sinubuan ang pasaherong walang kamay

  • 9 years ago
PHOTO: Taiwanese train attendant, sinubuan ang pasaherong walang kamay



Isang Taiwanese na train attendant ang naging internet sensation, matapos mai-post ng isang pasahero ng tren ang isang litrato kung saan sinusubuan niya ng pagkain ang isang pasaherong walang kamay. Maraming nagtawag sa kanya, bilang isang "anghel."

Ang train attendant na si Cheng Shu-Jun, ay nalaman lang ang tungkol sa litrato matapos mabasa ang diyaryo ng Apple Daily. Hindi naman daw ito malaking bagay para sa kanya, kahit na maraming nagre-report tungkol dito.

Dahil sa mga report, ay nakikilala na siya ng mga pasahero, at marami ang bumibili ng mga lunch boxes mula sa kanya, na nagbigay ng 30 percent na pagtaas sa kanyang sales performance. May isang pasahero pa ang gusto siyang i-hug para sa kanyang kabaitan.

Maraming nagsasabing sana ay mas maraming tao ang katulod ni Cheng, at sana ay masa madalas na i-report ng media ang kabutihan ng mga tao.

Ayon kay Cheng, na kailan lang kinasal, kapag may taong nangangailangan ng tulong, sana ay maalala siya ng mga tao at magbigay din ng tulong sa iba.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH