Sinkhole sa Corvette Museum sa Kentucky, nakasira ng walong kotse!
  • 9 years ago
Sinkhole sa Corvette Museum sa Kentucky, nakasira ng walong kotse!



Isang malaking sinkhole ang natagpuan sa National Corvette museum sa Bowling Green, Kentucky, noong Miyerkules, kung saan nahulog ang walong napakabihirang makitang sports cars.

Ang sinkhole, na may 30 feet ang lalim at 40 feet ang lawak, and nagbukas sa loob ng Sky Dome ng museum. Wala namang taong nasaktan sa insidente.

Sa walong sasakyan na nalunok ng gutom na lupa, ang 2009 ZR1 Blue Devil at ang 1993 ZR1 Spyder, ay pinahiram sa museum ng kompanyang Corvette.

Ang anim na na-damage na sasakyan naman ay pinag-ma-may-ari ng museum. Kabilang dito ang:

1985 PPG Pace;
1962 black Corvette;
1992 White 1 millionth Corvette;
at 2009 White 1.5 millionth Corvette.

Ang Sky Dome ngayon ay off-limits sa mga bisita, habang pinag-aaralan pa ng museum kung paano nila makukuha ang mga kotse na nasa isang 30-feet na butas. Pero mananatiling bukas para sa mga bisita ang ibang parte ng museum.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended