Defectors ng North Korea, pina-drawing ang abuso sa mga prison camps!

  • 9 years ago
Defectors ng North Korea, pina-drawing ang abuso sa mga prison camps!



Makikita sa nagkalat na video na ito, ang mga public executions na madalas maganap sa North Korea, sa ilalim ng kanilang pangulo na si Kim Jong-Un.

Kailan lang ay lumabas rin ang mga sketches o pagguhit, na base sa karanasan ng dating North Korean prisoner na si Kim Kwang-il.

Ang mga bilanggo ay sinusuntok sa dibdib hanggang sa sumuka sila ng dugo;
nilalagay sa maliliit na puwang;
pinipilit na tumayo sa isang stress position hanggang sa sila'y bumagsak;
o tumayo at umupo ng mabilis, nang daang-daang beses.

Ayon sa dating military captain na si Joo-il Kim, ang kakulangan ng pagkain ang pinikamalaking problema ng North Korean military.

Ang mga bilanggo ay kumakain ng mga hayop na kanlang nahuhuli sa loob ng kanilang cell, gaya ng daga at ahas.

Ayon sa dating bilanggo na si Kim Young Soon, siya ang mag-isang gumawa ng libingan para sa kanyang mga magulang, matapos silang ma-torture. Pero ito ay dahil siya ay sinuwerte pa.

Kadalasan, ang mga bangkay ay kinakain ng mga daga, o dinadala sa crematorium ng ibang bilanggo.

Ayon kay Kim Kwang-il, mas malala pa sa ating nalalaman ang mga kondisyon sa North Korea.

Base sa mga sketches na ito, mga public hearings ng walumpung saksi, at panayam sa may dalawnag daan at walumpung katao, ang North Korea ay kinasuhan na ng crimes against humanity, ng U.N.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended