Magkapatid na babae, nagpalitan ng asawa sa Hunan, China!
  • 9 years ago
Magkapatid na babae, nagpalitan ng asawa sa Hunan, China!



Hindi ito isang malaswang reality TV show -- ito ay nangyari sa tutoong buhay! Dalawang magkapatid na babae sa Hunan Province, sa China, ang nagpalitan ng asawa!

Ang asawa ng nakababatang kapatid na babae ang nagpunta sa Shenzhen para magtrabaho, matapos silang ikasal, kaya naiwan sa Hunan ang babae para alagaan ang kanilang anak.

Ang nakatatandang kapatid na babae ay nag-asawa rin, pero hindi nagtagal ay nagpunta rin siya sa Shenzhen para magtrabaho.

Dahil magkasama silang nakatira sa iisang bahay, na-in-love ang nakababatang kapatid na babae at ang asawa ang kanyang ate, samantalang na-in-love naman ang ate sa asawa ng kanyang nakababatang kapatid!

Dinivorce ng magkapatid ang kanilang mga asawa, pinakasalan ang dati nilang bayaw, at nagkaroon ng mga anak sa kanilang bagong asawa.

Kumalat ang kuwentong ito nang ang nanay ng magkapatid na babae ay nagpunta sa local household office para mai-rehistro ang pangalan ng kanyang bagong apo. Nailagay niya ang maling pangalan para sa ina ng bata, na sa tutoo lang ay nakakalito nga naman.

Dahil ditto ay inimbestigahan sila ng pulis, na inakalang binalewala ng kanilang pamilya ang one-child policy sa China. At dito nalaman ng buong mundo ang napaka-espesyal na kuwento ng magkapatid na babaeng ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended