Balitmore Ravens Ray Rice, na-knock out ang girlfriend sa loob ng elevator!
  • 9 years ago
Balitmore Ravens Ray Rice, na-knock out ang girlfriend sa loob ng elevator!



Ang Baltimore Ravens running back na si Ray Rice ay kilala para sa kanyang pagiging magaling, at mabait.

Ginamit niya ang kanyang sta power para makakuha ng donasyon para sa mga eskuwelahan sa Baltimore.

Pinagtanggol niya ang mga nabu-bully sa mga anti-bullying campaigns.

Pero itong nakaraang linggo, ang maganda niyang reputasyon ay napalitan ng titulo na madalas nating makita sa NFL: domestic abuser.

Si Rice ay nakasuhan ng assault matapos siyang makunan sa isang hotel security camera, na kinakaladkad ang kanyang walang malay na finacee palabas ng isang elevator.

Nangyari ang lahat sa Revel Casino, sa Atlantic City, noong February 15.

Hindi naming alam kung paano nagsimula ang Valentine's Day ng dalawa...

Pero sa huli, ay parehong naka-handcuff si Rice, at si Janay Palmer.

Lumala ang kanilang away habang sila ay pasakay ng elevator.

Dahil siya ay gentleman, malamang ay pinauna ni Rice na sumakay si Palmer.

Si Palmer din ay naaresto, at naglabas ng statement ang police, na nagsasabing makikita sa surveillance na parehong sangkot sa pisikal na away ang dalawa.

Hindi naman nahirapan si Rice na ma-knock out ang kanyang mapapangasawa. Pero bakit niya ito ginawa?

Sinubukang gisingin ni Rice ang babae, at kinaladkad niya ang walang malay na katawan nito palabas ng elevator...

Nagawa niyang ilabas si Palmer sa elevator, pero nakita siya ng isang security guard.

Parehong nakasuhan si Rice at Palmer ng assault.

Ayon sa General Manager ng Ravens na si Ozzie Newsome, wala siyang comment bukod sa pagsabing si Rice ay malaking parte pa rin ng balak gawin ng kanilang team itong taon. Noong 2012, si Rice ay pumirma ng five-year deal sa halagang 35 million.

Huwag mag-alala para kay Rice....

Noong nakasuhan ng domestic abuse ang isa pang Raven na si Terrell Suggs noong 2012, nabigyan pa rin siya ng 28.5 million dollar contract.

Yup.

AT, pinakasalan pa niya ang babaeng nagawa niyang punching bag, na hindi tinuloy ang pagdemanda sa kanya.

Kailan lang ay may debate kung ang openly gay na si Michael Sam ay babagay sa kultura ng NFL.

Ano sa tingin niyo? Si Ray Rice ba ay mas macho kaysa kay Michael Sam? Sino ang team na pinapanood niyo tuwing Linggo? Ipaalam po sa amin sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended