Lalake, nadaganan at napatay ng puno, habang siya ay papunta sa isang libing sa LA!

  • 9 years ago
Lalake, nadaganan at napatay ng puno, habang siya ay papunta sa isang libing sa LA!


Lalake sa LA, nadaganan at napatay ng isang mabigat na puno!

Alam niyo ba na ang itaas na parte ng isang palm tree ay mahigit isang tonelada ang bigat? Ang kabigatang ito ang nakapatay sa isang lalake sa LA, noong May 17.

Ang residente ng LA na si Tony Calderon ay kinakausap diumano ang kanyang kapitbahay, habang hinihintay niya ang kanyang sundo paputna sa libing ng kanyang tito...

Nang biglaang nahulog sa kanya ang crown ng isang palm tree! Ayon sa report, si Calderon ay hindi agad na namatay.

Ang puno na nakapatay sa kanya ay nasa three stories ang taas, at ang crown ay may at least isang tonelada ang bigat.

Ang paghulog ng puno ay nakasira din sa mga power lines, at napilitang maghintay ng dalawang oras ang mga rescuers, bago nila nagamit ang crane para tanggalin ang nahulog na crown. Ang 49-year-old na so Calderon, na ama ng dalawang bata, ay namatay.

Ang mga palm trees ay maaring mapahulog ng malalakas na hangin, o ng fungus na napapahina ang base ng crown, o ng giant palm borer, isang insekto na kinakain ang puno, at tinatadtad ito ng mga butas.

Ayon sa mga residente, hiniling nila sa property owner na putulin ang puno, mula pa noong 1999, matapos ma-paralyze ng nahulog na palm tree ang isang lalaking nakatira sa kanilang komunidad.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended