Pakistani na babae, pinatay ng sariling pamilya at tinawag itong 'honor killing'

  • 9 years ago
Pakistani na babae, stoned to death - pinatay ng sarili niyang pamilya sa isang 'honor killing.'

Ang 25-year-old na si Farzana Iqbal ay nabugbog at nabato ng mga bato, hanggang sa siya ay namatay, sa kamay ng sarili niyang ama, at mga kamag-anak na lalake, sa labas ng high court sa Lahore, Pakistan, noong Martes...dahil nagpakasal siya sa lalaking hindi pinili ng kanyang pamilya para sa kanya.

Ang babae, na minsan ay engaged sa isang pinsan, ay pinakasalan si Muhammad Iqbal noong isang buwan, kahit na tutol ang kanyang pamilya. Sa kanilang galit ay nag-file ng complaint sa pulis ang kanyang ama, at sinabing kinidnap si Farzana.

Pagdating ni Farzana sa high court para sa isang hearing, naka-abang ang isang grupong lalake. Kabilang dito ang kanyang ama, at dating fiancé.

Nagpaputok ng baril ang mga lalake, habang inaagaw si Farzana sa kanyang asawa...at pinatay nila ang babae, sa pamamagitan ng mga kahoy na stick at laryo.

Nagpaiwan ang kanyang ama sa eksena, habang tumakas ang ibang mga lalake, at hinintay na arestuhin siya ng pulis. Inamin niya na pinatay niya ang sarili niyang anak, at tinawag itong 'honor killing.'

Ang mga ganitong 'honor killings' ay pangkaraniwan sa Pakistan. Ayon sa Human Rights Commission of Pakistan, noong 2013 ay nagkaroon ng 869 na ganitong klaseng pagpatay sa bansa.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended