VIDEO: Florida judge, hinamon ng away ang isang nakakainis na public defender!

  • 9 years ago
Florida judge, sinabihan ang isang abugado, "I'll whip your ass" -- kaya nagbugbugan sila!

Isang sagutan sa korte sa Florida ang nauwi sa bugbugan noong Lunes, matapos i-challenge ng judge aang isang public defender.

Makikita sa video na ito kung paano nagsimula ang gulo...

Ang Brevard County judge na si John Murphy ay maririnig na umiinit ang ulo, dahil sa assistant public defender na si Andrew Weinstock...

Hanggang sa hindi na nakapagpigil ang judge, at hinamon sa suntukan ang abugado...

Nagpunta sila sa hallway, pero bago pa makapagsalit si Weinstock ay sinuntok siya ni Murphy.

Naupo at nanahimik ang mga tao sa korte, habang naririnig nila ang bugbugan na nangyayari sa labas.

Naawat din ng mga deputies ang away, at matagumpay na bumalik si Murphy sa kanyang courtroom.

Habang wala pang naaaresto sa kasong ito, si Murphy ay kumuha ng leave of absence, at siya ay pumayag diumano na kumuha rin ng anger management counseling.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH