World Cup 2014: Bakit nagpo-protesta ang mga Brazilians laban sa FIFA!

  • 9 years ago
World Cup 2014: FIFA, ang pinakamalaking kontrabida!

Si Sepp Blatter at ang kanyang mga FIFA goons ay nandito na naman, parang bumabalik na cancer. Ang kanilang malas na biktima ngayon ay ang host country na Brazil, na nagbayad ng mahigit 11 billion US dollars, para lang makapag-host ng World Cup.

Pinayagan ng Brazil ang FIFA na hindi magbayad ng buwis sa halagang 250 million, pero hindi pa sila nakuntento dito. Ipinakilala rin ng Brazil ang Budweiser Bill, para payagan ang pagbenta ng alak sa mga stadium, dahil ang Bud ay isa sa malalaking sponsors ng FIFA.

Ang 290-million-dollar arena sa Manaus ay nasa isang napaka-remote na area -- ang mga construction materials ay ipinadala sa pamamagitan ng Amazon River, at kabilang na rito ang isang napakalaking puting elepante na may mabuhangin na pitch, na magagamit lang rin para sa apat na laro.

Kaya naman pala ilang buwan nang nagpro-protesta ang mga taga-Brazil. Ang FIFA ang kumikita ng lahat ng pera, at ang Brazil ang magbabayad ng lahat ng gastos. Lugi!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended