Father's Day na trahedya: Lasing na babae, pinatay ang kanyang ama!

  • 9 years ago
Father's Day na trahedya: Lasing na babae, pinatay ang kanyang ama!

Isang babae sa Riverside ang nakasuhan ng DUI at vehicular manslaughter, matapos niyang masagasaan ang sarili niyang ama.

Isang pamilya sa Riverside, California ang humarap sa trahedya noong Father's Day weekend, na nagsimula sa kainan at inuman.

Pero ayon sa pulis, ang kasayahan ay nauwi sa away sa pagitan ng mga family members.

Matapos makaaway ang kanyang ama, ang 37-year-old na si Soukvilay Barton ay nagsabing siya ay aalis...

Ang kanyang ama, ang 69-year-old na si Bounmy Rajsombath, ay nagmakaawa sa kanya na huwag magmaneho dahil siya ay nakainom...

Sinundan niya si Barton sa driveway para kumbinsihin itong huwag mag-drive, pero biglang napa-reverse ang kotse ng babae.

Nang nadiskubre niyang nasagasaan niya ang sarili niyang ama, ay nag-iiyak si Barton. Pero hindi na ito naligtas ng pulis at paramedics.

Si Rajsombath ay nadeklarang patay sa ospital. Ayon sa Fox News, ang nasawi ay dating Laotian military officer, na minsang namahala sa isnag refugee camp sa Thailand, sa Vietnam War. Siya ay nagsimulang manirahan sa US noong 1979.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended