Monaco heiress Helene Pastor, pinatay ng kanyang anak at manugang!

  • 9 years ago
Monaco heiress Helene Pastor, pinatay ng kanyang anak at manugang!


Ang babaeng anak ng Mocano heiress na si Helene Pastor, ang maaring naging mastermind sa kanyang pagkamatay!

Ang anak na babae ng pinakamayaman na babae sa Monaco, ang pinagsususpetyahang mastermind ng assassination ng kanyang ina.

Pinag-utos diumano ng 53-year-old na si Sylvia Pastor at ng kanyang asawang si Wojciech Janowski ang dalawang Italianong hitmen na barilin at patayin ang 77-year-old na si Helene Pastor noong May 6th.

Kakadalaw lang ng billionaire heiress sa kanyang 47-year-old na anak na lalake sa isang ospital sa Nice, France, nang binaril ng isang gunman ang passenger side ng kanyang sasakyan.

Pagkatapos, ay binaril ng gunman ng dalawang beses ang driver. Sumalampak ang patay na driver sa kotse, na umandar hanggang sa tumama ito sa traffic barrier. Ang hitman ay tumakas sa isa pang kotse na may driver.

Ayon sa mga saksi, gumamit ng pump action shotgun ang hitman, na bumaril ng mga shell na may mga metal pellets. Malakipas ang dalawang linggo ay namatay si Pastor, na tinamaan ng maraming beses sa kanyang mukha at dibdib.

Ayon sa mga French prosecutors, dalawampu't tatlong tao ang kanilang naaresto para sa double murder. Kabilang na rito ang dalawang pinagsususpetyahang hitmen, at ang anak at manugang ni Pastos, na pinaghihinalaang mastermind ng lahat ng ito.

Si Pastor ay isa sa pinakamayaman na tao sa Europe; ang kanyang estimated net worth ay 19 billion Euros. Maraming prime properties ang kanyang pamilya, at matagal na nilang ka-close ang royal family ng Monaco. Napalaki ni Gildo Senior ang kanyang kayamanan noong 60s, nang nabigyan siya ng pahintulot ng royal family na magtayo ng mga high-rise buildings malapit sa seafront.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH