High school footballers, seksuwal na inasulto ang mga junior players!

  • 9 years ago
High school footballers, naakusahan ng abusive hazing!

Limang dating high school footballers ang humarap sa korte, sa mga alegasyon ng sexual assault laban sa mga nakababatang players, gamit ang mga kahoy na tungkod, na kanilang isinagawa bilang malupit at kakaibang hazing rituals. Isa sa kanilang mga biktima ang nagpakamatay.

Sina Brandon Beliveau, 20 years old; William Jenkins, 18;
Colby Darling, 18; Ryan Carlson, 20; at Brian Lasell, 19 –
ang naakusahan ng pag-sodomize ng mga nakababatang lalake.

Tatlo sa kanila, na estudyante ng Milton High School sa Milton, Vermont, ang nagpakita sa korte para mag-plead ng not guilty.

Ayon sa mga court documents, ang mga lalake ay naakusahan ng pagsaksak ng mga hawakan ng walis sa puwit ng mga junior teammates, na sinigurado nilang hindi makaiwas o makalaban.

Ang nakakagambalang pag-hazing na ito, na nangyari noong 2011 at 2012 football seasons, ay nasangkot din ang mga pool cues, habang nakadamit pa ang mga biktima.

Isang lalaking nakilala bilang victim #4 ang hindi naka-recover mula sa broomstick incident, at nagpakamatay.

Nagsilabasan lang ang tungkol sa mga asultong ito nang nalaman ng isang parent ang tungkol sa pambu-bully sa school bus, at sinabihan ang mga awtoridad.

Ayon sa state attorney na si TJ Donovan, nag-file lamang siya ng simple assault charges laban sa limang suspect, dahil bata pa sila at matagal-tagal na mula nang mangyari ang pambu-bully…at ayaw niyang mabigyan ang mga ito ng mas seryosong felony charges.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended