VIDEO: Sea lion, nanghampas ng mangingisda at nangagat ng aso sa Russian fishing boat!

  • 9 years ago
Matapang na sea lion, binato ang isang mangingisda, at kinagat ang isang aso!

Panoorin kung ano ang nangyari nang nakahuli ng sea lion ang mga commercial fishermen, na nakasakay sa isang Russian na barko.

Nang pinutol nila ang lambat, para makawala ang sea lion, naihampas ng galit na hayop ang isang crew member sa sahig!

Kahit na nakawala mula sa lambat ang sea lion, ay mukhang nalilito pa rin ito…

Isang crew member ang nakaisip na bumato ng isda sa sea lion, pero imbes na kunin ito ng sea lion, ay ang alaga nilang aso ang naakit dito.

Naku…hindi na talaga dapat lumapit ang aso sa sea lion…hindi ba nagkakaintindihan ang mga hayop pagdating sa mga ganitong sitwasyon?

Pagkatapos, ay patingin-tingin lang ang sea lion sa deck ng barko, sakaling may iba pa siyang pwedeng mahagis at mahampas sa sahig.

Gumamit din ang crew ng isang hose, para matulak ang sea lion sa kabilang panig ng barko.

Matapos mapaisip nang saglit, ay bumalik din ang sea lion sa dagat. Ngayon ay may maikukuwento na siya sa mga kaibigan niya…tungkol sa mangingisda na nabugbog niya…at ang alaga nitong aso!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended