WARNING: GRAPHIC. Mga uod, natagpuan sa ilalim ng kutis ng lalake!

  • 9 years ago
Mga uod, natagpuan sa ilalim ng kutis ng isang lalake!

Hindi ito basta-bastang tighiyawat.

Sa taong ito, isang lalaking galing sa Guangzhou, China, ang umuwi matapos ang anim na buwang adventure sa Africa – at napaligiran ng mapulang umbok ang bangdang kanan ng kanyang katawan at hita. Masaki tang mga umbok na ito, at dalawang linggong nangati – pero nagpunta lang sa derma ang lalake nang nilagnat na siya.

Tiningnan ng doktor ang mga umbok, at namalayan na hindi ito rashes o pimples – ito ay mga tumbu fly maggots! Mga uod!

Kinailangan ng lalake na dumaan sa operasyon para matanggal ang mga uod. Dalawampung matatabang uod ang naialis mula sa kanyang katawan.

Maraming iba’t ibang species ng langaw ang maaring gamitin ang mga tao bilang hosts, kaya kapag naglalakbay kayo sa Africa o South America, kung saan pangkaraniwan ang mga species na ito, gumamit po ng malakas na insect repellent, para hindi kayo matulad sa lalaking ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended