5-year-old Filipino-Korean girl, sikat na sikat sa Dubai at Instagram!

  • 9 years ago
Cute Filipino-Korean girl, may mahigit isang milyong fans sa Dubai!

Isang 5-year-old na Filipino-Korean girl ang ikinatutuwa ng mga mayayaman na Arabo – kaya nae-enjoy nila ng kanyang pamilya ang buhay-mayaman sa Dubai!

Si Breanna Youn, na mahilig sa mamahaling gamit na nireregalo sa kanya ng kanyang mga fans, ay ang pinakasikat na bata sa Middle East.

Salamat sa pagiging social media savvy ng kanyang ina, ay nakakuha na si Breanna ng 1.1 million followers sa Instagram.

Si Breanna ay half-Filipino, half-Korean, at namana niya ang kanyang malalim at magagandang mata mula sa kanyang ina. Mahilig siya sa mga pop songs, at pag-pose kasama ang mga mamahaling designer bags.

Ang mga mayayaman niyang admirers mula sa UAE ay inimbita pa ang buong pamilya ni Breanna, mula South Korea, papuntang Dubai, para sa all-expenses-paid na two-week vacation, kung saan nag-stay sila sa pinakasosyal na hotel.

Dahil sa mga admirers ni Breanna sa UAE, ay nagdesisyon ang Korean niyang ama na mag-stay sa Middle East. Ang pamilya, na Catholic, ay nag-convert pa sa Islam.

Kahit na pinipintasan ang kanyang mga magulang para sa pag-over-expose sa kanilang anak, naniniwala sila na may talento si Breanna, pagdating sa pagpapasaya sa mga tao.

Ang spoiled superstar ay nasanay na sa harap ng camera. Kapag nagpupunta sila sa mall, ay tinatanong niya ang kanyang ama, “Bakit hindi ako kinukunan ng litrato ng mga tao dito?”


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended