Frog Juice: ang bagong health trend sa Peru!

  • 9 years ago
Peruvian juice na gawa sa mga PALAKA, pagagalingin daw ang lahat ng iyong kasakitan!

Mayroon ba kayong asthma, bronchitis, mahinang sex drive, at kayo ba ay nakatira sa Peru? Kung ang sagot niyo ay OO, ito na ang inumin na para sa inyo!

Ang frog juice na gawa sa mga palaka mula sa Lake Titacaca ay usong-uso ngayon sa mga Peruvians, na naniniwalang mapapagaling nito ang kahit na anong kasakitan.

Madali lang itong gawin. Kumuha lamang ng madulas na palaka, i-tap ito sa ulo para makatulog siya, at tanggalin ang kanyang kutis. Ilagay siya sa blender, lagyan ng kaunting likido, at presto! Masarap na Kermit Smoothie!

Ayon sa vendor na ito, ang Frog Juice ay nakakabuti para sa anemia, bronchitis, mga buto, utak, kapaguran at stress. Ang madalas na uminom nito ay mga taong may anemia, respiratory issues at tuberculosis.

Ayon sa isang ina, umiinom siya ng Frog Juice dahil nakakabuti ito para sa mga bata at matanda, at mabilis nitong napapagaling ang asthma, napapagaan ang bronchitis, at marami siyang bitamina at protina.

Pero hindi sang-ayon dito ang mga doktor. Hindi pa kasi naaabot ng Frog Juice ang standads ng Food and Drug Administration para matawag itong gamot, at walang scientific evidence na nakakapagpagaling ito ng mga sakit. Pero maraming gumagamit dito sa mga remote areas ng Peru.

Ano sa tingin niyo? Ang mga frog smoothies ba ay nakakabuti para sa atin? Ito ba ay gamot, o lason? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended