"Syrian Hero Boy" video, isa palang hoax!

  • 9 years ago
Ang Syrian hero boy na video, ay isa palang hoax!

Nang pinanood namin ang “Syrian Hero Boy” na video noong isang linggo, napabilib kami – kasama ang 3.8 million viewers – na naniwalang ang video ay tunay na footage mula sa conflict sa Syria.

Nalaman namin itong linggo, na ang video ay nakunan pala sa Malta, kung saan ang maliit na batang lalake at batang babae ay mga professional actors.

Dinirek ni Lars Klevberg ang independent film, kasama ang Norwegian film crew, na nakakuha ng funding mula sa Norwegian Film Institute at Arts Council ng Norway.

Sa isang press release, sinabi ni Klevberg na ang motivation sa likod ng production at internet release ng pelikula ay para magkaroon ng debate at aksiyon para sa mga inosenteng bata sa buong mundo, na apektado ng giyera.

Nagkaroon nga ng debate, pero para sa motivation ng film crew, at hindi dahil sa mga inosenteng bata sa mga war zones.

Ayon sa Human Rights Watch adviser na si Fred Abrahams, dahil kay Klevberg at sa kanyang crew, ay pinagdududahan ngayon ng mga tao ang mga videos at litrato ng mga tunay na pangyayari mula sa Syria war.

Ang set na ginamit nila ay ginamit din sa mga big budget movies na gaya ng Troy at Gladiator.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended