Babaeng nabaon sa snow, naghanda ng goodbye letters para sa pamilya!

  • 9 years ago
Isang ina mula sa New York, na na-trap nang labing-tatlong oras sa ilalim ng snow, nagsulat ng mga goodbye letters para sa kanyang pamilya!

Nag-pose si Karen Rossi para sa litratong ito, kasama ang anak niyang si Madelyn, matapos niyang maiwasang maging ika-labing-apat na biktima, na namatay sa isang snowstorm, na tinakpan ang Buffalo, New York, ng snow na may mahigit pitong talampakan ang lalim.

Nagtrabaho ng extra shift sa Mercy Hospital sa Buffalo si Rossi, at natapos siya, alas tres ng madaling araw noong Martes.

Habang pauwi siya, sakay ang Chevy Cobalt ng kanyang anak, ay na-stuck siya sa isang snowbank sa Transit Road at William Street, malapit sa isang Rite Aid sa Lancaster.

Dumaan pa ang isang snow plow, na napatulak nang mas malalim, papasok sa snowbank si Rossi, at natakpan ng snow ang buong kotse!

Pinakinggan ni Rossi ang payo ng kanyang anak, na tanggalin ang snow sa kanyang tailpipe para hindi siya mamatay sa carbon monoxide.

Sa paglipas ng panahon ay namatay na ang telepono ni Rossi. Giniginaw at basa sa kahuhukay ng snow, ay nagsimula siyang magsulat ng mga goodbye letters para sa kanyang pamilya.

Tumayo siya sa windor frame ng kotse, at kumaway para sa tulong, gamit ang isang kulay pula na snow brush.

Labing-tatlong oras matapos siyang ma-stuck, ay nakita ni Dave Edwards ang snow brush, at hinukay niyang palabas ng snow si Rossi. Hinatid ni Edwards si Rossie sa kanyang monster truck, at huminto pa siya ng apat na beses para tulungan ang iba pang taong nangangailangan sa kalsada.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended