Abugado, gumamit ng hypnosis para maka-sex ang mga babaeng kliyente!

  • 9 years ago
Creepy lawyer, hinypnotize ang mga babaeng kliyente, na kanyang ni-rape!

Dalawang Jane Does ang dahilan kung bakit nasimulan ang isang criminal investigation sa Ohio lawyer na si Michael Fine, na mahigit tatlumpung taon nang nagpa-practice sa Sheffield Village.

Nagpunta kay Fine ang dalawang Jane Does para magpatulong sa kanilang mga divorce. Ayon sa unang babae, umalis siya mula sa opisina ni Fine, dala ang kakaibang ala-ala at pakiramdam. Hindi maayos ang kanyang mga damit, at basa diumano ang maselang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa ikalawang Jane Doe, hinypnotize daw siya ni Fine, na sinabihan siyang mag-relax at magpunta sa kanyang ‘happy place.’ Nagising siyang nandidiri at kinikilabutan.

Dahil kailangan niya ng ebidensiya, isa sa mga Jane Does ang nagsuot ng isang video recording device, at bumalik kay Fine para makakuha ng legal advice. Sinabihan ni Fine ang babae na maghandang magpahawak at magpahipo sa “world’s greatest lover,” at narinig ito ng mga pulis. Busted!

Magamit kaya nitong si Mr. Fine ang kanyang talento sa jail? Mag-practice na siya kamo na magpunta sa kanyang ‘happy place’…dahil matagal-tagal din siyang mananatili sa bilangguan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended