Karima Puzon - Paru-parong Ilap
  • 10 years ago
Ako'y nakaupo sa hardin ng kaharian.
Ito'y punong puno ng sumu't saring halaman.
Sobrang kasiyahan ang aking nararamdaman.
Tila walang bigat sa aking katauhan.

Ngunit isang paru-paro ang gumulo sa aking kalooban.
Mukhang ito'y humahamon sa akin ng habulan.
Ako'y tumayo sa aking kinalalagyan.
Pilit na hinuhuli ang paru-paro sa kawalan.

Ang paru-paro ay tila pinaglalaruan and aking damdamin.
Sadyang ito'y nawawala at mahirap hagilapin.
Nung ako'y hagat, ito'y lilitaw at ako'y gigimbalin.
Munting kaibigan, ika'y maghanda sapagkat ika'y aking hahagarin.

Ang paru-paro ay dinala ako sa sagalsal na ilog,
Sa aking dibdib bigla kong naramdaman ang kabog.
Sa katubigan ako ay matutulog
At ang katauhan ko'y lumulubog.

Ang paru-paro ay nakisama sa mga ulap.
Binigyan ko ito ng matinding irap,
Ngunit sadya itong mailap.
Ito'y aking nilapitan at pilit na niyakap.

Ang munting kaibigan ay biglang naglaho.
Ako'y umupo at tinamaan ng hapo.
Sadyang hindi mapapasaakin ang ilap na paru-paro
Ang aking hangad ay unti unting naging abo.

Nung luluha na ang langit, lumitaw siya sa aking tabi
Ito ay tila sumasayaw at dumapo ito sa aking labi.
Ako'y ngumiti at siya'y lumayo na parang buhawi.
Pinanood ko itong maglaho at ako'y humikbi

Ako'y nakaupo sa hardin ng kaharian.
Ito'y punong puno ng sumu't saring halaman.
Sobrang kalungkutan ang aking nararamdaman.
Puno ng hinagpis ang aking katauhan.

Karima Puzon

http://www.poemhunter.com/poem/paru-parong-ilap/
Recommended