THE JOVELYN GALLENO MURDER CASE (FULL EPISODE) | IMBESTIGADOR

  • 2 years ago
Aired (October 8, 2022): Nagimbal ang marami sa misteryosong pagkawala ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno sa Puerto Princesa City, Palawan. Noong ika-lima ng Agosto, pasado alas-siyete ng umaga, nakunan pa ng CCTV camera ang pagpasok ni Jovelyn sa pinagtatrabahuhan. Pasado alas-siyete naman ng gabi, nahagip din siyang naglalakad palabas ng gusali. Pero matapos nito, hindi na muling nakita si Jovelyn. Makalipas ang 18 araw na paghahanap, kalansay na siya nang natagpuan. Panoorin ang video.