SARILING KAMAG-ANAK, SUSPEK SA PAGPASLANG KAY JOVELYN GALLENO| IMBESTIGADOR

  • 2 years ago
Aired (October 8, 2022): Third year na sa kolehiyo sa kursong criminology ang 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Para makapag-aral at makatulong sa pamilya, nagtrabaho si Jovelyn sa isang boutique sa loob ng isang mall sa Puerto Princesa City, Palawan.

Pero hindi na magagawa pang tapusin ng dalaga ang pag-aaral. Hindi na rin siya makakatulong sa pamilya. Si Jovelyn kasi, biktima na ng isang krimen. Ang isa sa mga suspek, sarili niyang kamag-anak. Panoorin ang video.