Dinagat Islands: Need for sea ambulance and mobile clinics | Stand For Truth

  • 2 years ago
Hindi lang tahanan at pagkakakitaan ang nawala sa mga residente ng Dinagat Islands dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette nitong nakaraang Disyembre. Ang tatlong sea ambulance at tatlong ospital, nasira din.


Dahil sa pagkakasira ng mga ito, mas lalo pang nahirapan ang mga residenteng may sakit at mga COVID-19 patient na makatanggap ng serbisyong medikal. Kailangan pa nilang tumawid ng dagat at bumiyahe nang mahigit dalawang oras bago nila marating ang pinakamalapit na ospital.

Ang mga pagsubok na kanilang hinaharap para lang makapagpagamot, panoorin sa report.

Recommended