Florida congressman Trey Radel, nahuling bumili ng cocaine, sinisi ang alak!
  • 9 years ago
Florida congressman Trey Radel, nahuling bumili ng cocaine, sinisi ang alak!

Limang buwan nang nakalipas nang sulatan ni Florida congressman Trey Radel ng magandang payo ang kanyang sarili.

Noong October 29, isang undercover agent ang nagbenta ng cocaine sa congressman, na walang kamalay-malay na ito pala ay isang operasyon ng FBI. Ang dealer na minsang nagbenta ng drugs kay Radel ang nagbigay ng tip sa pulis.

Matapos ang pagbenta ng drugs, pinuntahan si Radel ng mga agents sa bahay ng congressman.

Humingi na ng paumanhin si Radel sa lahat sa kanyang Facebook -- at sinabi niya sa publiko na ang kanyang pagbili ng cocaine ay gawa ng kanyang problema sa pag-inom. Huwag na nating subukang gawan ng sense ang kanyang dahilan.

So Radel ay isang hip-hop conservative sa sarili niyang mata, at siya ay nanalo sa eleksiyon sa tulong ng 19th district ng Tea Partiers Florida. Hindi pa nalalaman kung paano maapektuhan ng kanyang pagbili ng droga ang kanyang posisyon sa gobyerno.

Mula nang lumabas ang balita ng kanyang pag-inom at pagbili ng droga, ay lumabas na rin ang ibang mga detalye tungkol sa congressman -- gaya ng, siya ay marunong magsalita ng Espanol, mayroon siyang Bizz Light Year na T-shirt, at ang kanyang paboritong pagbakasyunang lugar sa labas ng Florida ay ang Cartagena. Colombia --- kung saan maraming, alam mo na!

Pinaalala sa atin ng Minority leader na si Nancy Pelosi, na si Radel ay sumang-ayon sa pagbigay ng drug test sa mga gumagamit ng food stamps sa Estados Unidos.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended