Babae sa China, nagalit sa boyfriend, bumili ng 100 pares ng sapatos!

  • 9 years ago
Babae sa China, nagalit sa boyfriend, bumili ng 100 pares ng sapatos!

Isang 26-year-old na babae sa Chengdu, China, ang gumanti sa kanyang boyfriend sa pamamagitan ng paggastos ng 20,000 RMB, or 3,200 US Dollars, para bumili ng isang daang pares ng sapatos!

Ang dahilan ng kanilang pag-away: hindi siya pinayagan ng kanyang boyfriend na mag-shopping noong November 15, na kilala bilang "Singles Day."

Hindi nagkasya ang lahat ng sapatos sa kanyang kotse, kaya sinabihan niya ang staff na i-tape ang mga hindi kasyang sapatos sa labas ng kanyang kotse -- bilang dekorasyon.

Maraming mga tao ang naglabas ng kanilang mga cellphone para kunan ang eksenang ito, pero nagalit ang babae at sinabi sa mga nakatingin na hindi siya nagkukulang sa perang pambili ng ganito karaming sapatos.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended