Lalaki, na-pocket dial, narinig ang plano ng dating boss na patayin siya!
  • 9 years ago
Lalaki, na-pocket dial, narinig ang plano ng dating boss na patayin siya!

Isang lalaki sa Paragould, Arkansas, ang na-pocket-dial ng kanyang dating boss noong isang linggo.

Ang kanyang napakinggan na usapan sa telepono, ay ang plano ng kanyang dating boss na patayin siya!

Narinig ng lalaki ang dati niyang boss na nagbibigay diumano ng direksiyon sa kanyang bahay sa isang hit man, at binilin pa na kailangang magmukhang aksidente and pagpatay sa kanya.

Natagpuan ng pulis ang bahay ng magiging biktima, at nadiskubreng pinasok ito at nagalaw ang kanyang gas stove.

Ang dating boss na si Larry Barnett, ay naaresto at nakasuhan ng conspiracy to commit murder, o pagplano ng pagpatay ng isang tao.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Larry Barnett
Recommended