Taiwanese model, may 29 na body piercings: alamin kung alin ang pinakamasakit
  • 9 years ago
Taiwanese model, may 29 na body piercings: alamin kung alin ang pinakamasakit

Isang babaeng modelo sa Taiwan ang may dalawampu't siyam na butas sa kanyang katawan!

Ito si Egy -- isang modelo, at isang tattoo at piercing artist.

Si Egy, kilala rin bilang Chen I-An, ay nagsimulang mag-model noong siya ay 14 years old pa lamang.

Ang kanyang mga seksi na photo shoots ay kumalat sa internet, matapos siyang magpakita sa isang exhibition ng armas at kagamitang pang-militar noong Setyembre noong isang taon.

Sa request ng kliyente, ay nagsuot si Egy ng mga seksing costumes, pero pinagtawanan siya ng ibang mga modelo, dahil ang liit ng bayad sa kanya, kahit na marami siyang 'ipinakita.'

Nalungkot si Egy sa mga comment tungkol sa kanya, at sinabing ang kanyang booking fee ay mababa lang dahil hindi siya nagagalingan sa kanyang sarili.

Pero ang kanyang performance sa exhibition,ay nakakuha ng maraming papuri mula sa kliyente at manonood.

Hindi lang pag-model ang hilig ni Egy. Siya rin ay isang part-time na tattoo at body piercing artist. Sya ay nagkaroon ng dalawampu't siyam na butas sa kanyang katawan -- at anim lamang sa mga ito ang nasa kanyang tenga!

Noong siya ay 14 years old, pinabutas ni Egy ang kanyang pusod, at kahit masakit, ay na-in love siya sa industriya ng body piercing.

Nasubukan na niya ang halos na lahat ng klaseng piercing sa katawan. Karamihan sa mga ito, ay siya mismo ang gumawa, pwera lang sa mga nasa kanyang dila.

Dahil may mga nagsara nang butas, labing-isa na lang ang natitira sa kanyang katawan

At ayon kay Egy, ang nipple piercing ang pinakamasakit sa lahat.

Sa kanyang mga customer, ang mga nagre-request ng pagbutas ng dalawa nilang nipples, at nauuwi na lang sa isa dahil sa sobrang sakit.

Kailan lang ay nagbukas ng sarili niyang tattoo at body piercing studio si Egy, at mabilis siyang nagkaroon ng lampas dalawang daang customer.

Ayon kay Egy, ang mga gusting magpabutas ng maselang parte ng kanilang katawan, ay mga taong hum
Recommended