Babae sa Colorado, naaresto dahil sa kanyang 'topless salon'
  • 9 years ago
Babae sa Colorado, naaresto dahil sa kanyang 'topless salon'

Isang 46-year-old na lola mula sa Colorado ang naaresto, matapos siyang mang-gupit diumano ng buhok, habang naka-topless.

Pero hindi ang pagiging topless ang issue sa kanya ng pulis. Sng kanyang krimen ay ang pag-practice ng cosmetology nang walang lisensiya, at felony criminal impersonation.

Si Suzette Hall ay matagal nang nasa radar ng mga awtoridad.

Noong 2008, nahuli na itong nagpa-praktis nang walang lisensiya, at nautusang itigil ang kanyang pagtrabaho.

Ang may asawang lola ay nagkaroon ng isang business, kasama ang isang partner.

Pero nasira ang partnership, nan gang asawa ni lola ay nakipag-relasyon sa business partner na si Anne.

Si Anne, at ang asawa ni Hall, ang nakakita sa mga Craigslist ads ni Hall, para sa mga topless haircuts.

Ayon sa mga saksi, si Hall ay naniningil ng 45 US dollars para sa bawat gupit.

Ayon sa dating asawa ni Hall, tumatanggap din daw si Hall ng pera kapalit ng pag-sex sa loob ng salon, at nagpupunta din daw ito sa bahay ng kanyang mga customers.

Para sa mga kaibigan ni Hall, sinisiraan lang daw siya ng kanyang dating asawa at dating business partner.

Si Hall ay may siyam na beses nang naaresto para sa identity theft, felony theft, pagnanakaw ng sasakyan, at pag-ma-may-ari ng armas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended