Japanese diplomat, naaresto sa pagsunog ng embassy sa Congo!

  • 9 years ago
Japanese diplomat, naaresto sa pagsunog ng embassy sa Congo!

Isang diplomat na nangtatrabaho sa Japanese Embassy sa Democratic Republic of the Congo, ay naaresto noong Lunes, sa suspisyon na nagsimula ito ng isang sunog sa loob ng embassy.

Si Shinya Yamada, na pangatlong sekretarya ng Japanese embassy sa Kinshasa, ay namamahala raw sa accounting sa embassy.

Ayon sa mga records, si Mr, Yamada ang pinakahuling umalis mula sa embassy noong araw na nagkasunog doon. Si Yamada ay nahuli rin diumano ng security camera na nagdala ng tangke ng petrol papasok ng embassy.

Nakakalat ang tira-tira ng tangke ng gas at mga posporo sa eksena ng sunog.

At may 20 million yen, o 260 thousand USD, ang nawawala mula sa safe ng embassy, ayon sa Japan foreign ministry.

Dineny ni Yamada ang mga akusasyon laban sa kanya, pero naniniwala ang pulis na siya ay nag-embezzle ng pera mula sa embassy, para sa kanyang pagsusugal, at pagkatapos niyang nakawin ang pera ay sinunog niya ang embassy. Patuloy na iniimbestigahan ng pulis ang kasong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended