Babaeng nagjo-jogging, tinamaan ng lumilipad na usa!

  • 9 years ago
Babaeng nagjo-jogging, tinamaan ng lumilipad na usa!

Sa lahat ng pwedeng mangyari sa atin kapag tayo ay nag-jogging sa labas ng bahay, ang hindi natin ma-imagine ay ang matamaan ng usa! Pero ito mismo ang nangyari sa 27-year-old na si Krystine Rivera, sa Washington, DC.

Si Krystine ay nagjo-jogging isang gabi sa Clairborne Parkway, sa Virginia.

Samantalang ang isang 71-year-old na babae ay tahimik na nagmamaneho.

Posibleng ganito ang nangyari...

Nang bumangga ang matandang babae sa isang usa.

Napalipad ang usa.

At tumama it okay Krystine, na nawalan ng malay, at nagising sa likod ng isang ambulansiya.

Siya ngayon ay kasalukuyang nagre-recover mula sa malalim na hiwa sa kanyang ulo, sugat sa tuhod, at pagkaalog ng kanyang utak.

Ang kawawang usa ay namatay, at mukhang nakain ng mga gutom na ibon.

Recommended