Baby Panda Yuan Zai ng Taipei Zoo, maaring kumita ng 16 million USD!

  • 9 years ago
Baby Panda Yuan Zai ng Taipei Zoo, maaring kumita ng 16 million USD!

Ang baby panda ng Taipei Zoo, maaring magnegosyo at kumita ng halagang 16 million USD!

Ang anim na buwan na giant baby panda na si Yuan Zai, ay nagpakita ng kauna-unahang beses sa inaasahang, libo-libong bisita sa Taipei Zoo, itong nakaraang Lunes! Nagdagsaan ang mga tao para lang makita ang napaka-cute na black and white na panda.

Para mas maayos ang pagpila, ang bawat bisita sa zoo ay kailangang kumuha ng number pagpasok sa zoo, at sundan ang oras na nakalagay sa number, para bisitahin si Yuan Zai.

Ang panda enclosure ay may apat na daang tao ang kapasidad, at may bagong grupong tagahanga kada sampung minute. Ibig nitong sabihin ay dalawangpung libong bisita lamang ang susuwertehing makita si Yuan Zai sa bawat araw. Ang group tickets ay sold out na rin.

Pinaalala ng Taipei Zoo ang mga bisita na si Yuan Zai ay may show sa mga oras na 9 hanggang 11 ng umaga, at 4 hanggang 5 ng hapon. Kung kayo ay dumalaw sa labas ng oras na nabanggit, ay makikita niyong natutulog ang baby panda, at hindi ito kikilos o haharap sa inyo.

Ayon sa Taipei City government estimate, ang super star baby panda ay magdadala ng 16 million USD sa Taiwan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended