Pulis sa Salinas, California, pinatay ang isang lalaking may hawak na malaking gunting!

  • 9 years ago
Pulis sa Salinas, California, masyadong mabilis mambaril -- binaril ang isang lalaking may hawak na gardening shears!

Pinatay ng mga pulis ang isang burglary suspect noong Martes. Kinunan ng isang residente ng video ang insidente.

Nagsimula ito, bandang 12:25 ng tanghali. May tumawag sa 911 para i-report ang isang lalaking nagtangkang pasukin ang kanilang bahay, ay sinabing sasaktan ang residente.

Ayon sa isang witness, sinabi rin ng intruder na papatayin niya ang aso ng residente, at ipinakita pa ang kanyang private parts sa mga tao sa loob ng bahay.

Pagdating ng mga pulis, nakita nila ang lalake, na may gardening shears na nakasilip mula sa kanyang backpack.

Hindi pinansin ng lalake ang mga utos ng pulis na huminto at dumapa sa sahig, kaya ginamitan nila ito ng taser. Nakita niyo?

Wala masyadong epekto ang taser sa lalake, na hinatak ang mga wires at probes mula sa kanyang katawan.

Panoorin natin ulit.
Hinabol siya ng pulis.

Sa video, na may dalawa't kalahating minuto ang haba, ang suspect ay makikitang mabagal na umaatras palayo mula sa mga pulis. Ayon sa pulis, ito ang punto kung saan hinila ng lalake ang gardening shears mula sa kanyang backpack.

Nagpaputok ng apat na beses ang dalawang police officers; nagkalat ang dugo sa bangketa, na namantsaan pati ang reoutasyon ng mga pulis sa Salinas.

Nag-release ng statement ang pulis, at sinabing pinagkakaway ng suspect ang gardening shears sa kanila, kaya nila ito binaril.

Isang bagay, na mukhang ang gardening shears na kanilang tinutukoy, ay makikitang nasa kalsada, sa tabi ng suspect, na namatay.

Nagkataon na sa araw ring iyon, isang daang demonstrators ang nagkita-kita sa isang park sa Salinas para i-protesta ang isa pang police killing, na nagresulta sa pagkamatay ni Osman Hernandez, ilang linggo lamang ang nakalipas.

Sa tingin niyo ba ay kinailangang gumamit ng deadly force ang mga pulis?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe

Recommended