American Apparel CEO Don Charney, naghubad para makabalik sa kanyang trabaho!

  • 9 years ago
Dating CEO ng American Apparel na si Dov Charney, gustong bumalik sa kanyang trabaho!

Ang butt-flashing na si Dov Charney, na dating CEO ng American Apparel, ay gusto ngayong bumalik sa kanyang trabaho...at pinarating niya ang kanyang mensahe, nang nakahubad!

Kahit na siya ang founder ng American Apparel, hindi naligtas si Charney mula sa pagpapatalsik sa kanya bilang president at chieft executive ng kompanya, salamat sa siyam na sexual allegations laban sa kanya.

Kabilang na dito ang pinaka-high profile na kaso, kung saan isang dating employado na si Irene Morales ay inaakusahan si Charney ng pagkidnap sa kanya ng ilang oras, bilang isang sex slave.

Ayon kay Morales, siya ay 17 years old lamang nang nagtrabaho siya bilang isang sales clerk sa Manhattan, kung saan nagpakita ng pagmamahal sa kanya si Charney. Napilitan daw si Morales na magsagawa ng oral sex at iba pang mga sexual acts sa Manhattan apartment ni Charney.

Nang naibasura ng korte ang lawsuit ni Morales noong 2012, nagkalat ang kanyang mga hubad na litrato sa isang online blog.

Inakusahan ng board si Charney ng pagkalat ng mga litratong ito, at siya ay natanggal sa trabaho.

Dineny ni Charney ang mga akusasyon laban sa kanya, at balak niyang idemanda ang kompanya dahil sa biglaang pagtanggal sa kanya sa trabaho.

Samantala, isang video ng dating CEO na nagsasayaw nang nakahubad sa harap ng dalawang babaeng employado ang nai-post sa Internet, dalawang buwan nang nakalipas. At ito ay naging viral.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended